(Source: ailoveyou2d4y)
(Source: ailoveyou2d4y)
Ang bilis nga naman ng oras noh? Parang kailan lang eh wala tayong kamuwang-muwang sa paligid natin. Yung mismong pagbihis, pagligo, at paglakad natin, eh nanay pa natin ang gumagawa para satin. Naisip mo na ba yung sakripisyo ng magulang natin? Yung iba, tulad ko, na lumaki sa lolo at lola, naisip niyo din ba yung hirap na kahit umuugod-ugod na sila, eh nagagawa pa rin nilang bitbitin ka, ipagtimpla ng gatas, magpuyat kaaalaga sayo?
Tapos ngayong malaki ka na, may sariling isip na, nagagawa mo na silang sigaw-sigawan, murahin patalikod, at sagutin na para bang ikaw yung nagsakripisyo para sakanila. Ikaw ba yung nagpuyat para sakanila? Ikaw ba yung nagpakain sakanila? Hindi diba?
Nagtataka ako sa mga bata sa henerasyon na ito. Nakakalimutan o sadyang ayaw lang nilang magsabi ng “po” at “opo” sa nakatatanda sakanila. Lalong lalo na sa magulang at sariling pamilya. Kung sagutin na lang eh maangas masyado.
“Anak, kumain ka na. Tama na yan pagcocomputer.”
“OO TEKA LANG!”
“Anak, lumalamig na ang pagkain. Halika na dito.”
“OO SABI!!!” Sabay padabog na pupunta sa hapag-kainan, nakasimangot, at kung ano ano ang binubulong.
Ganito na ba talaga ngayon?
Onting konsensya naman, mga bata. Kahit gaano sila kahirap pakisamahan minsan, bigyan niyo pa rin ng respeto. Magulang niyo yan, pamilya kayo. Matuto kang gumalang kasi hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan nila para palakihin kayo at maibigay ang mga bagay na nasainyo ngayon.
Walang nakakaalam kung kelan sila kukunin ng Diyos. Pahalagahan niyo na sila habang maaga pa.
Mahal ka nila ng sobra. Mahalin mo din sila. Yun lang naman ang gusto nilang maramdaman mula sayo.
—-
“Tapos ngayong malaki ka na, may sariling isip na, nagagawa mo na silang sigaw-sigawan, murahin patalikod, at sagutin na para bang ikaw yung nagsakripisyo para sakanila.”
- Aww pareblog nito.
(via theskullcandiii)
Wag ka magagalit sa magulang mo kapag nag aalala sila sayo, tandaan mong mahal ka lang nila kaya sila nag kakaganun, hindi mo kasi sila maiintindihan hanggat hindi ka pa nag kaka anak, karamihan kasi sa kabataang pinoy eh madalas magdabog kapag napigilan sa lakad ng barkada nila, tipong halos isumpa na ang naging desisyon ng magulang nila, pero ayan ang mga bagay na mamimiss mo kapag tumanda ka na at nawala na sila.
Maaring hawak ka ng magulang mo ng 25 years hanggang 30 years, depende kung kailan ka mag aasawa, may taong susundo kasi sayo kung babae ka, at may tao kang susunduin kung sakali namang lalake ka. Hinding hindi mo dapat pinagsisisihan kung bakit hindi ka maintindihan ng magulang mo kung minsan.
Tandaan mo na balang araw may isang taong dadating sa buhay mo at ipagpapatuloy niya ang pagmamahal na binibigay ng magulang mo sayo. Tandaan mo na mas matagal mong makakasama ang magiging asawa mo kesa sa magulang mo. Lagi mong tatandaan yan.
“Tandaan mo na mas matagal mong makakasama ang magiging asawa mo kesa sa magulang mo. Lagi mong tatandaan yan.”
Hindi ko nilalahat, pero MARAMI akong nakikita sa’tin na ganito ‘yung takbo ng buhay sa tumblr.
.
- Kakajoin mo lang, basta hindi stranger o basta kakilala mo, ifofollow agad. Kahit hindi masyadong makarelate sa mga posts. (Example: Sa fb o sa twitter, “Sinong may tumblr diyan, pafollow! \:D/”)
- Nageenjoy ka na. Basta maganda ‘yung picture o NAKAKARELATE KA, reblog agad.
- May nakita kang tumblrista na magandang pagkuhanan ng reblogs, finollow mo. Kasi madami kang marereblog galing sa kanila.
- Nagkaroon ka bigla ng followers. ‘Yung iba finollow back ka lang. Ang habol nila, reblogs mo lang din. Tapos irereblog nila.
- Sumali ka sa mga promo-promo thing, KASI NATUTUWA KA ‘PAG DUMADAMI ‘YUNG BILANG NG MGA FOLLOWERS.
- SUMABOG NA SA REBLOGS ANG TUMBLR MO. Flooded at spammed ang dashboard.
- Bigla kang nagsawa at tinamad. Kasi karamihan ng nakikita mo sa dashboard, PAULIT ULIT LANG.
- Pinasya mong gumawa ng sarili mong mga TYPOS at kung anu-ano pa.
- Nagdatingan ang mga followers. Mas madami. Mas pinaghusayan mo tuloy ‘yung paggawa ng mga typographies. KASI NGA NATUTUWA KANG NADADAGDAGAN ANG FOLLOWERS MO O KAYA MADAMING NOTES ANG POST MO.
- Parang nawalan ka ng gana kasi hindi naman oras-oras may magagawa kang typo. Parang kakaiba narin ‘yung feeling kasi parang hindi na personal blog ‘yung tumblr mo.
- Dahil nga nawalan ka na ng gana, ipinasya mo nalang na magpost ng KUNG ANO MANG NAIISIP MO. Thoughts, opinions, stories about your life.
- May mga dumating na followers. Kaunti lang, pero pagview mo ng blogs nila, PURO MAY SENSE. May kwento. Masarap basahin.
- Dumating ka sa point na nageenjoy ka na ulit, (katulad nung first time mo sa tumblr kahit puro reblogs, naeexpress mo ‘yung SARILI MO.)
- May lagi nang kumakausap sa’yo. Kasi NAKIKILALA NA NILA unti-unti ‘yung ugali mo dahil nga nagpopost ka na ng mga personal. Hindi ‘yung tulad no’ng puro ka lang reblogs, may mag-t-TA sa’yo pero ganito lang: “Heyyy your blog is awesome!! Check out mine?!” Pagkatapos niyan, tapos agad usapan niyo.
- Sa huli? Hindi na mahalaga ‘yung may nagrereblog o naglalike sa mga reblogs/typos mo, kundi ‘yung MAY NAGBABASA na ng personal posts mo. Lastly, hindi na followers ‘yung nagka-count, kundi ‘yung mga nakakausap mo na o mga nagiging FRIENDS mo. :>
.
(Kaya kung matagal ka na sa tumblr at tapos ka na sa level na ‘yan, ‘pag nakakita ka nang mga nagdadaan diyan sa “adjustment period,” HUWAG AGAD HUSGAHAN. HUWAG MONG MASAMAIN. Nalilito lang sila, nagaadjust, ginagawa kung anong makakapagpasaya sila. In short, hindi sila masamang tao. Ang masamang tao lang dito sa tumblr ay ‘yung nag-aanon at nangtatalk shit. Imbes magkomentaryo ng ‘di maganda sa mga ganiyan tapos ipopost pa, iguide mo nalang sila. Walang naguguide sa parinig. Walang natututo sa patama. Magbubuild-up lang ‘yun ng bad vibes. :)
(Source: ailoveyou2d4y)